Kaninang umaga at ang araw ngayon.
Sa aming mga pagpupulong sa "Finance Committee" kung saan ang "chairperson" ay si Karen, mayroon kaming tinatawag na "Filipino Day" at "English Day". Haha. Sa aking blog ngayon ay "Filipino Day". Whaaat? Haha.
Kaninang umaga, ako ay medyo nagmadaling maligo at magbihis. Gusto ko kasi mapanood yung bloomfields doon sa umagang kay ganda, sa pagnanais na makita at masilayan si Rocky. Sa kasamaaang palad, hindi ko nasilayan ang bloomfields. Napakasaklap na pangyayari. Habang naglilipat ng istasyon, bigla ko nakita ang "video" ng Wala Nang Iba, at ako ay natuwa. Pagkalipat sa isa pang istasyon ay ang "video" naman ng Stolen. Napakagaling talaga! Tapos biglang pagkatapos noon, biglang, woah! Anonymous! Tapos biglang dumating na yung bus. Argh. Ansaklap. Haha.
Noong "flag ceremony", kagaya ng dati, ipinaulit sa amin ang pagkanta ng Lupang Hinirang at Alma Mater. Ansaklap nanaman! Pagkatapos noon ay ang CL namin na asignatura. Wala si Bb. Malayas dahil retreat ng mga taga ikaapat na baitang. Sabi nila, may namimiss daw ako sa mga nagretreat. Whaaaat? Wala noh. Napakaingay talaga ng aming klase. Sumunod sa CL ay ang Pinoi. Sa kasklapan ng buhay, ang tanging mga mali ko lang sa pagsusulit ay yung mga bagay na nakalimutan ko. Noong "recess" ay nagpasa kami ule ng "proposal" kay Gng. Torralba. Sa wakas, may inaapprove na siya :) Noong AP ay naglaro at nagkaroon kami ng diskusyon. Pagkatapos noon ay Geom. Sa wakas, medyo nakukuha ko na talaga! Pagkatapos ng Geom ay ang Chem. Napakasaya talaga kasama ng aking mga groupmates. Si Hope, si Denise at si Beatriz. Haha. Ilang beses na nga ba ngayong araw ko sinabi ang pangalan na Beatriz? Ewan. Trip ko lang talagang tawagin siyang Beatriz kanina. At ako ay tinawag niyang Alexi. Haha. Noong English ay ipnrisinta na namin ang aming presentasyon sa MA. Sadyang adlib lang ang lahat. Pero sa awa ng Diyos ay naisalba naman namin ang aming grado. Haha. Noong Trigo ay nagkaroon kami ng pagsusulit. Medyo mababa ang aking nakuhang grado pero ayos lang.
Kailangan ko talaga ng pagkakakitaan. Yung baon ko ngayong linggo at nakalaan na sa load ko sa sun at sa class funds.
Suma total, ayos naman ang aking araw. Ewan ko. Hindi ko naramdaman ang araw na 'to. Walang reyalidad. Walang malalim na pakiramdam.
Sino pa ang hinahanap mo? Nandito lang naman ako. Mahal kita ikaw lang at wala nang iba. Ikaw lang ang hinahanap ko.
No comments:
Post a Comment