just a classic case. just a scenario.
Wala ako sa mood para sa isang pure english na post. Next time nalang. Haha :D
Bakit ganito ang title ng aking post? Hind ko rin alam. Haha. Yes, from "What goes around..comes around" Naaalala ko tuloy, dati sobrang naLSS ako sa kantang yun. Nagpasend ako kei chia sa ym nun. At imagini niyo naman 10mb yung size. Haha. Napakagaling ni Alexi :D
Yes, was so busy last week. Portfolio, paper sa investi at kung ano-ano pa. Masyado kong naging busy. Ilang gabi rin akong napuyat. Well, hindi pa ako third year sa lagay na yan. Paano pa kaya next year? Anyway, ayun. Haha.
Ilang araw nakong napapisip. Ano kaya kung idelete ko na 'tong blog na 'to? Hindi kasi ako nakakapag-update masyado eh. Napakasayang at alam kong wala namang bumibisita dito. Haha. Pero hindi. Haha. Dito lang ako nakakapagsalita ng ayon sa gusto ko. Gaya ngayon. Tagalog na tagalog. Tingnan ang mga simuno at panaguri. Tingnan rin kung ang aking mga pangungusap ay nasa anyong payak, tambalan, hugnayan at langkapan. Tingnan din kung tahasan o balintiyak ba. Pandiwari, pangngalang diwa, pandiwa, pangngalan, pang-uri, pandiwa, ah, tama na. Napaghahalataan tuloy akong favorite subject ko yung pinoi. Haha. Hndi ko 'to pwede idelete. Ito yung mundo ko. Ito yung saril kong mundo. Haha.
Tuwing mei cooking, lageh nalang akong nahihiwa. Bakit kaya? Sadyang malas ako sa mga kutsilyo. Kanina, nasugatan naman ako sa sirang doorknob. Gaya nga ng sabi ng isang tao sa isa sa mga sulat na nabasa ko kanina na binigay sakin dati, lageh daw ako mag-ingat kasi accient prone daw ako. Totoo kaya yun? Kung totoo man, mei mas accident prone pa sakin. Ang aking pinkamatalik na kaibigan :D Si Carmille :)
Napakarandom nga ng post ko. Ang totoo, hindi ko alam kung anong mga ilalagay ko. Haha
Tests na bukas. Bio at Health. Ibang pag-aaral yung ginawa ko sa Bio ngayon. Hindi ko ginamit yung mga maliliit at makukulay kong index cards. Nagbasa ako ng sobrang bagal. Kung baga, yung kasalungat nung speed reading na tinatawag. Haha! Feel ko tuloy, ganito magtagalog si Bob Ong sa mga libro niya. Ewan ko. Haha:D Goodluck sa'kin sa bio. Ang totoo, sa buong buhay ko sa second year, wala pa kong napapsang bio na quarterly test. Kaya hindi ko alam kung paano ko naisasalba yung grade ko sa bio. Mahina talaga ko sa mga subjects na related sa Science. Kaya ayun. Mahal ko ang bio. Pero sana minamahal din ako ng bio. Haha :)
Oonga. Magssun ako sa summer. Mas tipid.
Isang linggo nalang at mag-eend na rin 'tong school year na 'to. Onting tiis nalang Alexi :P
Ambilis ng panahon. Haha. Sino nga ba yung madalas na nagsasabi sakin nian at sinasabihan ko ng gnanyan? Ayan, unang blind item. Haha. Anyway, ambilis talaga. Sobrang kakaiba 'tong secon year para sa'kin. Sobra. Nung first year kasi, sobrang nasanay akong mei assurance sa lahat. Lalo na sa basketball. Ngayong second year, hindi alo basketball club at basketball at Intrams. At sa awa ni God, nakasurvive naman ako :D Isang assurance lang yung di nawala sa'kin. Yung assurance na hindi mawawala sa'kin yung best friend ko :) Ngayon second year, nagkaroon ako ng mas maraming kaibigan at kakilala. Si Donna, mas naging close kami at suepr close friends na kami. Tapos, mas naging close pa kami ni Starr. May mga tao ring napalayo sa'kin. Yung uslak. Sobrang miss ko na sila. Lalo na si Chia at Lorraine. Sobra talaga. Ngayong second year din ako natutulong matulog sa klase. Oww. Ansama ko nu. Nagsimula yan nung second quarter. Sa likod kasi ako nilagay. Ayun. At di ko makakalimutan yung isang guidance na session/class namin dati. Nako, nakakatawa ako. Haha. Ngayong second year, maraming tiwala rin ang nawala. Andami ko ring natutunan. Sobra. At sa worst year ko nameet yung mga taong sobrang halaga sakin. Haha. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari :) Kasi sobrang natuto naman ako :D Sa nakakabasa nito, salamat :D
Sino na si Alexi ngayon? Isang tao na mei 23 pairs of chromosomes yung cells. Galing sa fertilization at mei genes. Isang taong yung mga cells ay naguundergo ng mitosis at meiosis na rin. Haha.
Andami kong gusto gawin. Gusto ko uminon ng vanilla cream, kumain ng chocolate, halo-halo at deafood feticcine ng Napoli's. Gusto ko rin makabili ng string para sa electric guitar ko. As in yung pinakamanipis. Wala na kong spare eh. Pero wala, malabo ata yun. Kung sino man ang nagababasa ng post na 'to, ilibre mo naman ako ng kahit isa sa mga yun. Haha. Sa summer, sana may magawa naman akong makabuluhan. Gusto ko magBEST at magguitar lessons. Oo, marunong na ko magbasketball at magguitar. Pero iba na rin yung mas marami ka pang matututunan at malalaman mo kung ano yung tama :D Gusto ko rin matutuo ng iba pang sport at musical instrument. Haha. Andami kong gusto itry :D
Kahapon, mei tatlong tao pumunta ito sa bahay. Blind item ule. Hulaan :D Haha!
Nakakasawa na yung video ng Seven Black Roses at Ikaw Lamang sa tv. Haha :D
Wala na kong masabi. Lord, sana lahat magpasa ng comex bukas. Haha
Dapat mei album akong ipopost sa multiply. Puro kalokohan ko. Kaso, huwag na. Ansama ko. Haha.
I am everything and I am nothing. No regrets...
I haven't reaches yet my acomodador :D
No comments:
Post a Comment