Sunday, September 24, 2006

Cram.

Pagccram na ang gagawin ko mamaya. Tsk. I still have so many things to do. Goodluck nalng sakin. Wala na kong pera. Super. Yung money ko for tomorrow, mei pag gagamitan na yun. I don't know what would happen for this week. I just hope that it would be a good one.

I really wanted to but The Zahir last Friday. I'm so desperate to have a copy. But then, unfortunately, wala nga akong pera. Bahala na kung makabili ako. Masyado kong maraming pinag-iipunan eh. P400. Halos one month na training na yun. Pero, super anganda nun eh.

Sabi ni Carmille, gusto daw siya dalhin ni Tere sa province nila para daw ipakagat si Carmille sa kambing. Haha! Kasi halos lahat ng hayop na common nakagat na si Carmille. Tapos, bigla ko napaisip. Nangangagat ba ang baboy? Sabi ni Carmille, itry ko daw. Sabi ko, ayoko. Sabi niya, sige lang daw nasa likod ko lang daw siya. Sabi ko, o sige, gamutin mo ko ah. Tapos, siya naman ang napaisip. Mei rabis ba ang baboy? Siguro wala. Kasi kung meron, bakit natin kinakain? :P

Donna's right. Masarap magpakabatugan. Sobra. Haha.

Yehey! Isasama daw ako ni Lorraine sa Pangasinan next time :) Yahoo! :)

Gusto ko na mag October 2. Bakit? Secret. Joke. Gusto ko na maging busy. Haha. Kaso mei problema ako. Saang araw ko isisingit yung dentist ko? Ah bahala na.

Gusto ko magsimba. Seryoso. Kaso wala akong kasama.

Ang aking post ngayon ay tagalog. Hindi siya tuloy-tuloy na english. Bakit kaya? :P Siguro dahil..

  1. Nasa mood ako magtagalog ngayon.
  2. Wala ako sa mood mag-english dito.
  3. Nakaktamad mag-isip ng subject-verb agreement.
  4. wala lang.
  5. wala lang ule.

Haha. Bigla ko napaisip. Ano ba ang mga wishes ni Alexi? Haha.

  • Maging mabuting tao.*
  • Maging masaya.
  • Maging masaya yung mga tao sa paligid ko lalo na si Carmille.*
  • Maging ayos na ang lahat.*
  • Maging merit ule.
  • Magkaroon ng successful na band.
  • Maging magaling sa basketball at guitar.
  • Makagawa ng maraming kanta.
  • Makita na ni Chia yung talagang tamang tao.*
  • Maging maayos na yung image ng section namin.*
  • Mabasa lahat ng libro ni Paulo Coelho.
  • Magkaroon ng bagong phone.
  • Matuto magviolin, drums tska sax.
  • Makakapa ng instrumental ng isang kanta na puro lead.
  • Maging may-ari ng globe.
  • Maging pep, kahit hanggang panaginip nalang yun :P Pwede na rin ang aglaia :P (kasama ko si donna dito :P)
  • Mapasaya lahat ng tao.*
  • Mapakita sa lahat ng tao kung gaano ko sila naappreciate.*
  • Matulungan lahat ng tao sa mga problema nila.*
  • Makashoot ng mas malayo. Kahit 3.
  • Magkaroon ng sariling laptop.
  • Mawala lahat ng negative sakin.*

Marami pa actually, hanggang doon muna. Yung mga mei asterisk, yun yung mga talagang priority.

Oh well. Hanggang dito nalang.

Ang buhay, di mahalaga kung ikaw hindi makakasama...-takipsilim.


No comments: