Tuesday, May 29, 2007

Thrill.

Ah ewan. Sobrang boring dude. Ewan. Ang boring ng buhay ko. Wala yung hinahanap kong thrill. Wala yung hinahanap kong excitement. Walang bagong nangyayari. Walang special na nangyayari. Wala kong niloolook forward. For short: boring talaga. Argh. Ewan ko.

Wala ako sa mood mag-Ingles. Grabe. Hayy. Ewan. Miss Universe kanina. Oh yes, Miss Korea is my dreamgirl. Yuck. Joke lang. Haha. Ang totoo ay mas maganda pa siya kei Miss Japan na siyang naging Miss Universe. Sayang lang hindi nga maganda yung nasagot niya. Sabi nga ni Carmille, dapat daw nanood ng Heroes si Miss Korea. Haha. Sabi nga namin, dapat yung power ni Hiro :) He can bend space and time. Haha. Yun yun eh. So she can change the future. Ayun. Sayang ang kahottan niya.

6 days to go may pasok na. Wow. Nung mga nakaraang araw naeexcite ako kasi gusto ko na talaga mag-aral. Pero nawala yung excitement ko. Ewan. Ang boring ng buhay ko. Walang thrill. Haha. Ewan. Challenge. Gusto ko ng challenge. Ah ewan ko. Bahala na si Buttman. Haha. Ano kayang magiging section ko at sino ang mga kaklase ko? Ewan ko. Kahit sino kanila Starr, Donna at Carmille okei na sa'kin. Masaya na ko dun. Kung lahat sila, aba, jackpot prize na yun dude. Nakakatawa nga si Starr, sabi niya kahit ako lang daw yugn classmate niya ayos na raw sa kanya yun. 51 siya ako isa. O di 52 na kami. Haha. Tapos napunta pa sa Intrams at Prom yung usapan namin. Ang tanda na namin. Haha.

Wala akong magawa. Hindi ako makapagcharge ng telepono dahil nasa loob ng kwarto nila Mama. Siyempre, antanga ko. Hindi ko nababa kanina. Nakalock yung kwarto nila. Pero okei lang. Tinatamad akong magtext. So ayun, dalawang araw na kong nagbibike sa umaga. Napakaaccident prone ko. Nung unang beses kasi, naligaw ako. Haha. Hindi naman kasi ako madalas na lumabas ng bahay eh. At unang beses kong mapunta sa side ng subdivision na yun. Ayun. Pero bago yun, argh. Badtrip yung isang Honda. Nag-overtake siya. Siyempre ano nga ba naman ang laban ng bike sa kotse. So tumabi ako sa layo na makakaya ko. Nagkasalubong kami. Siyempre, ayokong mabundol. Unang-una, nakakahiya. Pangalawa, mahal maospital. So ayun, sumampa ko sa gutter. Bute nalang hindi ako sumubsob. Yung pangalawa, ayun, hindi ko napansin agad yung humps. Late na ko nakapagbreak. Wow, medyo lumipad yung bike. Bute hindi ako tumalsik. Nakakatawa.

Mag-iisang linggo na simula nung binangungot ako. Shitty that. Simula nun nahihirapan na ko matulog. Sobra. Lageh putol-putol tulog ko o kaya lageh ako nananaginip. Badtrip. Kulang nalang ay uminom ako ng sleeping pills. Ewan. Bwisit. Bute nalang kagabi medyo okei na. Hindi masyadong putol-putol pero nanaginip pa rin ako. Tss.

Starr! Kamusta ka? Ako bored pare. Haha.

Argh...Thrill? Excitement? Challenge?

Gusto ko ng kayakap sa dilim. Period. Haha!

ang lame nanaman ng post ko.

"...and I still don't have the reason and you still don't have the time."

No comments: