Usapang eleksyon at pulitika.
Kahapon lamang ay idinaos ang eleksyon na pang mga sendaor, mga gobernador at bise-gobernador, mga alkalde at bise-alkalde at mga congressmen na siyang gagawa ng mga batas para sa ikabubuti ng ating bansa.
Kung titingnan mo ang pangalang ng mga tumakbo para sa posisyon ng pagiging senador at kongresista, onti sa mga pangalang andun ay tila mga pangalan na naging parte ng mga skandalo o malalaking isyu sa Pilipinas noong mga nakaraang taon. Mga halimbawa ay sina Honasan, Trillanes, Singson at Garcillano. Wow diba? Si Trillanes ay sinasabing ang naging pasimuno sa nangyaring Oakwood Mutinee noong nakaraang taon. Si Honasan ay sinasabing parte rin nito at siya ay nagtago. Si Singson ay sinasabi namang naging kasabwat ng dating Pangulong Estrada sa laganap na larong Jue Teng sa sadyang ipinagbabawal daw. At huli sa lahat ay si Garcillano o mas kilala sa tawag na "Garci" ay nasangkot sa "Hello Garci Scandal" kung saan ay angkaroon ng wiretapping sa pag-uusap daw umano ni Pangulong Arroyo at ni Garci sa telepono ukol sa pandaraya noong nakaraang eleksyon laban sa yumaong si FPJ.
Sa naganap na eleksyon ay nagkaroon din ng foreign observers na galing sa ibang bansa. Nakakahiya ang ating eleksyon. Laganap kasi ang pagbebenta at pagbli ng boto. Para bang ipinasusubasta ng mga tao ang kanilang boto. Kung ikaw ay binigyan ng 500, siyempre, tataasan ng kabilang partido yan. Meron pa nga raw namimigay ng converse na sapatos eh. Pano kung di tama yugn size? Malay rin ba ng mga tao kung original yung of fake diba? Bukod sa vote buying , nagkarron din ng pamimigay ng sample ballots within 30 meters ng mga prisinto. Ang usapan ay tapos na at bawal na mangampanya, pero tingnan niyo naman, mga Pilipino nga naman, antigas ng ulo. At as usual, nagkaroon din ng flying voters. Sobrang gulo pa raw nung listahan ng mga rehistradong botante ng COMELEC. Nagkaroon pa nga ng kaso na yung pangalan namatay na tatay ng isang kolumnista ay nasa listahan pa rin ng mga rehistradong botante. Isa pang naging isyu ang pagsusulat lamang ng "Cayetano" sa balota. Medyo magulo raw kasi ang mga instruksyon ng COMELEC. At pinakamalala sa lahat, nagkaroon pa ng brownout sa ibang lugar habang nangyayari ang bilangan ng boto. Tss. Kelan kaya magkakaroon ng sobrang ayos at sobrang matiwasay na eleksyon sa Pilipinas? Hindi ako ngapaparinig sa COMELEC. Haha. Ang sinasabi ko lang ay sana gumawa ng paraan ang ating gobyerno ukol dito. Ang eleksyon kasi ay isang napakahalagang pangyayari sa isang bansa. Dito nangyayari ang pagdedesisyon ng mga tao kung ano ang gusto nilang mangyari sa kanilang mga kinabukasan.
No comments:
Post a Comment