Thursday, April 12, 2007

Napakasklap...

Napakasklap kasi hindi ako kontento sa nauna kong post ngayong araw kaya ako ay mei post ngayon ule.

Napakasaklap kasi gusto ko umalis ng bahay, pero ako'y sadyang hindi basta-basta pinpayagan at tila ata walang gusto makipagdate sa'kin.

Napakasaklap kasi sobrang sakit ng tiyan ko. Kahit papaano ay natitiis ko naman, kaso sobra talaga.

Napakasaklap mauubos na yung pera ko.

Napakasaklap hindi man lang ako makakain ng masarap. Lageh may sabaw at walang mantika. Yung kapatid ko kanina pang umaga tumitira nung Moby na Caramel Puffs.

Napakasaklap kasi andaming nag-aaway ngayon. Lalo na sa mga gm, puro patamaan. Walang pakakaintindihan ang mga tao.

Napakasaklap kasi andami ring nalulungkot ngayon at sadyang marami ring concern na nahahawa sa kalungkutan. Hindi ba dapat kasayahan ang ipinapamahagi?

Napakasaklap kasi laganap ang campaign ads ngayon sa telebisyon at sa mga lansangan na sadyang pinagkagastusan ng napakalaking pera. Bakit hindi nalang gamitin ang mga perang iyon sa pagtulong sa pagpapaunlad ng ating bansa? Ang masklap pa, yung mga matatalo, sayang talaga yung pera nila.

Napakasaklap kasi sadyang maraming tao pa rin ang hindi sensitibo nararamdaman at pangangailangan ng ibang tao sa paligid nila.

Napakasaklap kasi di ko pa lam kung magkakatraining kami ngayong summer.

Napakasaklap kasi tila may insomia na ata ang aking pinakamatalik na kaibigan.

Napakasaklap kasi sadyang ako ay maraming taong namimiss at matagal ko na silang hindi nakikita at nakakasama.

Napakasaklap kasi sadyang wala akong magawa dito sa bahay.

Napakasaklap kasi pinagtittiyagaan kong basahin ngayon yung Mythology ni Edith Hamilton na babasahin ata sa aming ika-apat na taon sa high school, dahil wala na kong mabasang ibang libro dito sa bahay.

Napakasaklap dahil sadyang napakalabo niton aking blog.

Napakasaklap kasi tila wala atang nakakaintindi sa mga pinagsasabi ko dito.

Napakasaklap dahil naghihirap pa rin ang Pilipinas at trilliones pa rin ang utang natin sa ibang bansa.

Napakasaklap kasi marami pa rin ang gustong umalis ng Pilipinas.

Napakasaklap kasi ang bagal nung inaaupload ko sa Photobukcet. Aabutin na ata ako ng pasko.

Napakasaklap kasi malapit na ang aking kaarawan at tila wala atang babati sa akin at ito'y sadyang magiging ordinaryong araw lamang.

Napakasaklap dahil andaming taong naghihirap at maraming problema.

Napakasaklap kasi aalis na sila Ms. Platon at Ms. Salvador sa school :(

Napakasaklap kasi wala ng pag-asa next year.

Napakasaklap kasi di pa ko naliligo.

Napakasaklap kasi hindi ako mayaman.

Napakasaklap kasi pakiramdam ko, hindi pa rin ako nagbabago. Ampangit ng ugali ko. Nakakainis ako.

Napakasaklap kasi hindi ko matulungan at mapangiti lahat ng tao.

Napakasaklap kasi hanggang ngayon 11% pa rin yung paguupload ko sa photobucket.

Napakasaklap na wala akong magawa.

Napakasaklap na wala ako sa birthday ng kapatid ko sa 22.

Napakasaklap na may sira na yung wallet ko.

Napakasaklap na may bago kong pimple.

Napakasaklap na matagal na kong hindi lumalabas.

Napakasaklap na antagal ng bakasyon.

Napakasaklap na ang init sa Pilipinas.

Napakasaklap na sa HK lang ata akong makakapagbakasyon.

Napakasaklap kasi wala na kong masabi. Haha

Napakasaklap dahil ito na ang katapusan ng post na ito.

Napakasaklap kasi walang comments. Pahingi naman ng comments :D

No comments: