Tatlong Araw sa HK :)
Ika-21 ng Abril, pasado alas-ocho ng umaga ay lumipad ang aming eroplano, flight PR300 patungong Hong Kong. Ito ang aking unang pagkakataon na ako ay lilisan sa ating bansang Pilipinas. Bakit? Hindi kasi kami mayaman. Haha. Pagdating namin sa paliparan ng Hong Kong ay hinanap namin ang magsusundo sa amin. Tapos, kami ay sumakay sa shuttle ng umundo sa amin papuntang Kowloon. Pamilyar sa akin ang mga nasabing lugar,Kowloon at Hong Kong sapagkat itong mga luagr na ito ay napag-aralan namin sa AP noong 2nd year. Pagkarating namin sa aming hotel, kami ay nagpahinga sandali at kumain sa labas at naglakad ng naglakad. Pagkatapos ay bumalik kami sa hotel at lumabas ule ng aking pinsan para lumibot sa mga tindahan sa paligid ng aming hotel. Pagkatapos ay bumalik nanaman kami sa hotel, nagbihis at kumain at naglibot nanaman.
Noong susunod na araw ay sinundo kami ng shuttle ule para pumunta sa Disneyland. Wow. Anlake talaga. Walang-wala yung EK. Haha. Pagkababa namin ng shuttle ay biglang sinabi ni Mamang Tuper na 8:30 ng gabi daw kami babalikan. Noon ay 10:00 am pa lamang. Parang kami, wow, sampung oras tayo dito.
Isng araw sa Disneyland..
Sige lang..lakad pa, lakad pa. Sakay tayo dun o! Uyy si Mickey Mouse andun! Takbo takbo! Naiihi ako! CR tayo! Gutom na ko. Kain tayo! Ano kayang ipapasalubong ko kei ganito? Pasasalubungan ko ba si ganito? Uy si goofy! Picture! Naiihi nanaman ako. CR tayo. Sakay tayo dun o. Upo muna tayo pagod na ko. Tingnan mo yung babae nakaheels. Wala namang pictorial diba? Antagal nung fireworks.
Naging paulet-ulet na ganun. Siyempre maganda talaga yung fireworks. Ang laki siguro nung budget dun. Pagkatapos nun ay bumali kami sa aming hotel. Hindi na kami ule lumabas ng aking pinsan at ako ay nakatulog.
Nang sumundo na araw kumain kami tapos pumunta sa simabahan para magdasal. Pagkatapos ay nagpahinga kami sandali sa hotel at lumabas para magshopping. Tapos ay kumain kumain. Tapos, sinundo kami ng shuttle patungong airport. Ayun.
Welcome back to the Philippines :D
Random thoughts..
* Andami sa mga tag dun payat kasi lakad lang sila ng lakad. Walang jeep tapos di uso sa kanila kanin.
* Andami sa kanila, nakaleggings tapos nakachucks.. Bihira ka makakakita ng naka-tsinelas. May sarili silang sense of fashion.
* Walang tunnels dun na diretso para daw hindi antukin yung driver.
* Walang bidet yung cr :O
*Ang gloomy dun.
Ayun, one word, masaya:)
Nasa multips ko ung pictures :)
No comments:
Post a Comment